Local News

Panoorin: Indonesian Player, “NAMPAKYU” Matapos ang Laban sa Pilipinas!

Kamakailan lang ay naging laman ng balita ang Filipino surfer na si Roger Casugay dahil sa pagligtas sa katunggali niya sa Southeast Asian (SEA) Games na si Indonesian surfer Arip Nurhidayat. Dahil sa ginawa ni Casugay, binati ito ni Indonesian President Joko Widodo.

“My appreciation to Roger Casugay, a Filipino surfer who gave up his chance to win the gold medal in a bid to help an Indonesian athlete who fell [into the sea] during the competition… Winning a competition and upholding sportsmanship is important, but still, humanity is above all. […] Greetings from Indonesia,” sabi ni Indonesian President Widodo.

Ngayon naman ay nag-viral sa maling dahilan ang isang Indonesian Volleyball player na si Putu Randu. Matapos kasi na manalo ng gold medal ang kanyang koponan ay nagpakita ng “bad gesture” ang naturang atleta.

Tinawag itong arogante at unsportsmanlike ng mga netizens dahil sa pagwawagaway nito ng gitnang daliri matapos ang panalo kontra Pilipinas.

Narito po ang ilang reaksyon at tugon mula sa mga kababayan natin.

“How disrespectful! Sorry but athlete with this kind of attitude is a TRASH… Lastly, he doesn’t deserve to represent your country! Eto papakita niyo? Ganito ba ugali niyo. Diba ang pangit na may ganyan kayong players kasi parang nirerepresenta niya yung buong KAYO!” sabi ni Masterjoyang sa Twitter.

“TO HIS FACE, RANDU. THAT’S WHAT IM TELLING. YOU WILL WIN BUT YOU WILL NEVER RECEIVE RESPECT BECAUSE YOU ARE DISRESPECTFUL ATHLETE. IMAGINE REPRESENTING INDONESIA WITH THAT KIND OF ATTITUDE… FOR THOSE DEFENDING RANDU, HOW CAN YOU DEFEND THE MIDDLE FINGER HE DID LIVE? HUH? WHAT NOW? THAT KIND OF ATTITUDE FROM AN ATHLETE REPRESING HIS COUNTRY INDONESIA DID A MIDDLE FINGER WOW! WHAT A SHAME INDEED!” banat naman ni Twitter user athenaw02.

Sa isang bahagi ng laban, tinamaan si Randu ng bola mula sa spike ng Filipino Player na si Marck Espejo. Mukhang ikinatuwa ito ng ilang Filipino fans.

Source: ABS-CBN | PinoyTrend

Leave a Reply

Theme by Anders Norén