Local News

Look! Kapuso Actor Dingdong Dantes, Bilib kay Mar “Stand out si Roxas!”

Palapit na ng palapit ang mid-term elections at may ilang artista na ang nagko-komento sa larangan ng pulitika. Isa na dito ang Kapuso actor na si Dingdong Dantes. Sa kanyang social media post nitong Enero 27, 2019, Nagpahayag ito ng opinyon tungkol kay Liberal Party senatorial candidate Mar Roxas. Ayon kay Dantes, stand out daw si Roxas sa ginanap na senatorial forum ng CNN Philippines. Bida rin kay Dantes sina Florin Hilbay at Samira Gutoc. Sina Roxas, Gutoc at Hilbay ay mga kandidato ng oposisyon. Bilib dinsiya kay Neri Colmenares. Si Colmenares ay kilalang tumutuligsa sa ilang polisiya ng gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte. Si Dantes ay isa sa mga pangalang ikinunsidera para isama sa senatorial slate ng oposisyon.

Gusto naman ni Dantes na sumipot ang lahat ng bibigyan ng imbitasyon sa gagawin daw na senatorial forum ng GMA Network.

Panoorin niyo po ang isang bahagi ng CNN Senatorial Forum kung saan nagsalita si Mar tungkol sa isyu ng pagpapababa sa edad ng criminal liability ng mga kabataan. Ikinumpara niya ang edad ng criminal liability sa edad kung kelan pwede ng lumaklak ng alak ang isang tao.

Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa naging post ni Dantes tungkol kay Roxas.

Kinontra naman ng ilang kababayan natin ang sinabi ni Dantes. Ayon kay twitter usernmae abmescallado, ang kailangan daw ng mga tao ay mga kandidatong may political will at malasakit sa bayan. Kaya hindi siya naniniwala sa mga nabanggit na politiko ni Dantes. Wala raw matatanggap na boto ang mga opposition senatoriables sa kanya.

Mayroon ibang pang mga kababayan natin na hindi pumabor kay Dantes. Ayon sa isang commentator sa post ni Dantes, idol niya daw si Dantes pero NO to Liberal Party daw siya. Ang iba ay nagkomento na lang sa pisikal na kaanyuan ng aktor.

Source: Dingdong Dantes Twitter

Leave a Reply

Theme by Anders Norén