Local News

Look! Lotto Outlets, Sinimulan nang Isarado ng PNP matapos ang Utos ni DU30!

Inumpisahan na ng mga kapulsian natin sa Makati na isarado ang mga Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Lotto outlets. Ito ay matapos magbigay si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng direktiba na hindi niya na papayagan makapag-operate ang lahat ng mga pasugalan ng PCSO.

Sa litrato na ibinahagi ng Manila Bulletin sa kanilang social media account, makikita ang tatlong alagad ng batas na naglalagay ng barricade tape sa isang lotto outlet sa Makati.

Kagabi ay nagbigay ng direktiba si Pangulong Duterte para ipahinto ang lahat ng operasyon ng pasugalan ng PCSO. Ito ay dahil daw sa labis na korapsyon na nangyayari sa ahensiya. Damay din sa kautusan ng Pangulo ang mga lisensya at prnagkisa na ipinagkaloob ng PCSO.

“I have today ordered the closure the stoppage of all gaming schemes of whatever nature, however done that got their franchises to do so from the PCSO. The ground is massive corruption involving all… It becomes illegal because as of today all of those permits and concessions or whatever are terminated,” sabi ng Pangulong Duterte.

Nilinaw din ng Presidente sa publiko na hindi niya susundin ang anumang court order na haharangan sa pagpapatigil ng operasyon ng mga pasugalan ng ahensiya.

“As of today I will not honor any any order from any court stopping us or enjoining us to stop our desire to go into a massive investigation for the massive corruption that is existing in the PCSO,” banat pa ng Presidente.

Inutusan ng rin ng Pangulong Duterte ang mga pulis at sundalo na huliin at arestuhin ang sinumang lalabag sa direktiba.

“I am ordering the PNP chief Albayalde to arrest anybody and those also for the military, si (Armed Forces chief of staff Benjamin) Madrigal, to arrest people engaged in gambling activities in connected with the franchises, licenses and concessions granted by the PCSO,” utos ng Presidnete sa mga otoridad.

Source: Manila Bulletin | PCOO

Leave a Reply

Theme by Anders Norén