Local News

LOOK! Magarang Mansyon ni Coco Martin na 2,000 Square meter ang Laki!

Naging usap-uspan ngayon ang ginawang pagra-rant ng ABS-CBN actor na si Coco Martin sa social media kaugnay sa pagpapasara ng gobyerno sa Kapamilya network dahil sa pagkapaso ng prangkisa nito.

Sa kanyang boladas, inilabas ng aktor ang kanyang sama ng loob sa sinapit ng ABS-CBN. Kinuwestiyon din niya ang naging hakbang ng gobyerno sa istasyon ng kanyang pinagtatrabahuan.

Isa sa mga binulalas ng Kapamily actor sa kanyang rant ay kung paano na niya papakainin ang kanyang pamilya.

“Ito iyong pagkakataon natin na lumaban eh. Wala na tayong trabaho, Ano pang iingatan natin? Ano ang ipapakain ko sa pamilya ko? Kapag ang pamilya ko kinanti, kahit sino ka pa, lalaban ako ng patayan sa iyo kahit patayin mo pa ako. Ano po ba ang uunahin natin ngayon? Tanggalin ang kumpanya na tumutulong sa ating kapwa o sugal na pinapasok sa ating bansa. Buti pa ang POGO, pinaglalaban niyo. Itong kumpanya na tumutulong sa tao, pinasara niyo. Ano iyon? Tapos ang mga tao tuwang-tuwa kayo na nawala ng trabaho ang 11,000… Ano sabi ni Harry Roque,’Oh! Pumila kayo sa DOLE’. Eh ang buong Pilipinas nga hindi niyo ma-supplayan… bago matapos ito ay masabi ko kung ano ang totoong nararamdaman ko sa inyo,” banat ni Coco.

Ang litanya na ito ng aktor ay agad naman napuna ng ilang netizens. Ayon kasi sa mga kababayan natin, mayaman na ang aktor para problemahin kung paano pa papakainin ang pamilya. Lumitaw din sa social media ang bahagi ng panayam niya kay Boy Abunda kung saan sinabi niya na kaya niya kung sakaling mawala ang kanyang hanapbuhay.

Ngayon ay kumalap kami sa internet kung ano ang itsura ng bahay ni Coco para malaman kung ano ba ang estado ng pamumuhay ng aktor.

Narito po ang ilan sa mga litrato ng bahay ni Coco.

Photo from YES! Magazine via Real Living Philippines

Photo from YES! Magazine via Real Living Philippines

Photo from YES! Magazine via Real Living Philippines

Photo from YES! Magazine via Real Living Philippines

Source: PEP | Kami | ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: