Local News

Look! Marathon Gold Medalist, Bumilib sa Sports Facilities na Gawa ng DU30 Admin!

Puro negatibo ba ang ibinabalita ng ilang media tungkol sa cauldron na gagamitin sa 2019 South East Asian Games na gagawin sa ating bansa?

Iba naman ang naging reaksyon ng 2017 women’s marathon gold medalist na si Mary Joy Tabal nang biumisita ito sa New Clark City kung saan matatagpuan ang mga world-class sports facilities na ipinagawa ng Duterte Administration para sa mga atletang Pilipino.

“As an athlete who competed in the 2015 SEAG Singapore, 2017 SEAG Malaysia, 2018 ASIAN Games in Indonesia and even the 2016 RIO OLYMPICS, to personally see this WORLD CLASS SPORTS FACILITIES gives me goosebumps!😀🇵🇭 I thought I will be competing outside Pinas 😅 Something that we FILIPINOS must be PROUD OF!💯🇵🇭,” sabi ni Tabal.

Kalakip ng kanyang social media post ay ang mga litrato kung saan makikita sa kanyang likuran ang kontrobersiyal na cauldron.

Narito naman po ang litrato ni Tabal kasama si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Malacañang.

Ang post ni Tabal ay umani ng mga positibong reaksyon at tugon sa mga netizens at naibahagi na rin ng higit 900 beses habang isinusulat ang blog post na ito.

Si Tabal ay naging Olympic Qualifier. Kinilala dn siyang bilang 2016 Athlete of the Year ng Sportswriters Association of Cebu. Nagwagi din siya ng ginto sa 29th Southeast Asian Games noong August 19, 2017.

Magugunita na kamakailan lang ay nagsalita ang dating atleta na ngayo’y journalist na si Gretchen Malalad laban sa cauldron na ipinagawa ng gobyerno. Ayon kay Malalad, dapat daw inilaan na lang daw ang pondo para pagkain at pag-e-ensayo ng mga atleta.

“The athletes don’t need a P50 million cauldron. Come on! ‘Yang kaldero na yan dapat nilagay sa budget ng kalderong pagkain. Idagdag niyo na lang sana sa food budget ng atleta. Oh ‘di kaya para sa training… Walang budget! Walang budget! Hindi na-approve. ‘Yan lagi naririnig ng mga atleta kapang nag-request ng funds for training anf exposure abroad. Pero may budget ang gobyerno para sa sa P50 m na kaldero,” boladas ni Malalad.

Ang mga pinagsasabi ni Malalad ay kabaligtaran sa mga positibo komento ni Filipino Chess Grandmaster Eugene Torre sa pamahalaan ni Pangulong Duterte.

“Malaking-malaki ang deperensiya po (ngayon). Dati ay kulang ang suporta (ng mga nakaraang administrasyon), pero ngayon ramdam na ramdam naming mga atleta at mga coaches ang full support ng ating gobyerno sa pangunguna ni Presidente Rodrigo Roa Duterte… Lahat naman iyan na opisyales natin sa sports ay nagsusunuran, once na may kumpas ng ating Presidente. Kung baga sa chess ay ‘yung king ang nagpapagalaw. Kaya maraming salamat ho sa ating mahal na Presidente sa kanyang full support sa Philippines sport,” rebelasyon ni Torre.

Source: Mary Joy Tabal Oly | Mary Joy Tabal Wiki</p>

Leave a Reply

Theme by Anders Norén