Local News

Mayor Isko, Nakipagpulong kay Leftist Activist Neri Colmernares tungkol sa Pabahay ng Maynila noong 2019!

Sa kanyang social media account, ibinahagi ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang pakikipagpulong niya sa makakaliwang aktibista at dating Bayan Muna Partylist Congressman Neri Colmenares.

Pinag-usapan daw nila ang proposed vertical public housing projects para sa mga informal settlers families (ISF) sa Vitas, Tondo.

Magugunita na nagbanta si Colmenares magsasampa ng patong-patong na kriminal laban kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pagtatapos ng termino nito. Kasama din daw ng NUPL ang United Nation sa pagsasampa ng asunto.

“The justice system in the Philippines is unable to provide legal remedies to victims of EJK and other human rights violations because as President Duterte claims, he is immune from suit… That is why we will pursue more cases against him in the UN and other international mechanisms for now,” sabi ni National Union of People’s Lawyers (NUPL) national chairperson Neri Colmenares.

Magugunita na noong pumutok ang isyu ng pambababoy ng mga aktibista sa underpass sa Maynila ay nagsalita si Mayor Isko na ipadidila niya daw sa mga aktibista ang pader na dinumhan ng mga ito. At sa hiwalay na pahayag, sinabi ni Mayo Isko na binobola lang ng mga aktibista ang mga mahihirap.

“Mga mahihirap namin kababayan, binobola nila kayo o ginagamit lang kayo nila sa political goal nila. Gumising kayo mga kababayan… Ngayon kung ipadadala ko limang tao na paswelduhin ng gobyerno, thinnner ng gobyerno, pera ng tao ang ginamit. Ito ang pinagkakagastusan namin. Oh natatanggal ba? Anong gagawin? Pipinturahan. Gastos na naman. Ang pinangbili ko ng pintura ay makabibili ng paracetamol at amoxicillin. So dito ka na lang dadalhin (sa pagbura ng bandalismo). ‘Yung may sakit, papa-inom ko sa kanya ‘yung art niyo? Paggagamot ko sa kanya art niyo?,” banat ni Mayor Isko.

Narito po ang komento ng ilang kababayan natin sa ginawang pakikipagpulong ni Mayor Isko kay Colmenares.

Source: News5 | Inquirer | Mayor Isko

Leave a Reply

Theme by Anders Norén