Local News

Look! Mayor Sanchez, Patay na!

Ayon kay Bureau of Corrections spokesperson Gabriel Chaclag, pumanaw na si Former Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.

Natagpuan na lang daw ang dating alkalde na wala ng buhay sa selda nito mga bandang alas-7 ng umaga ngayong Sabado.

Dinala pa sa NBP Hospital si Sanchez pero hindi na ito umabot ng buhay.

Naging laman ng balita noong 2019 si Sanchez matapos itong mapasama sa listahan ng mga mapapalaya sa pamamagitan ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.

Naging kontrobersiyal si Sanchez dahil sa pagpatay kina Mary Eileen Sarmenta at Allan Gomez, mga estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas.

Naptunayan sa korte na si Sanchez ang utak ng krimen.

Nakaraang tao ay tinamaan ng virus si Sanchez.

Source: Daily Tribune | ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén