Local News

Look! Mindanao, Niyanig muli ng Malakas ng Lindol! Eskwelahan, Nagiba!

Niyanig ng 6.7 magnitude na lindol ang bahagi ng Mindanao ngayong Martes, base sa datos na nakalap ng European-Mediterranean Seismological Centre (EMSC).

Kasabay ng pagyanig ay naglabas ang litrato sa social media ng mga gumuhong mga istruktura. Tulad na lang ng mga larawan na pinost ng netizen na si Tsai Vai. Makikita ang pagkagiba ng pinaniniwalaan eskwelahan sa Daig, Tulunan, Cotabato. Base sa impormasyon sa Facebook profile ni Vai, siya ay isang guro.

Humihingi ng tulong si Via sa mga tao sa social media para mailigtas ang mga kabataan.

“This is all i can do to ask for help. We cant call or message anyone. Bardown na mga building namun. we are still here at the school ground. Wala pa namun nadouble check kung naa pai bata sa sulod. Galihok p lupa. WE NEED RESCUE! AS SOON AS POSSIBLE,” sabi ni Via.

Habang sinusulat ang post na ito ay umabot na sa lagpas 18,000 ang nagbahagi ng post ni Vai at umani na rin ito ng daang-daang komento mula sa mga kababayan natin.

Dinala namana ng ilang kabataan sa hospital.

“3 of our 4 building were totally damaged. Our students were already sent home with their parents. They are safe now. More or less there are 15 children and teachers who are wounded (mostly minor injuries) including the two who are rushed here at centeno hospital. They will be refered to Amas hospital for xray and CT scan.. Please include us in your prayers.” dagdag pa ni Via.

Naririto naman po ang larawan at video ng nangyari sa isang bangko sa Mindanao.

Source: Tsai Via | MSN | Duero Gallery | Pabz Baure

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: