Local News

LOOK! Modern Typhoon-Resistant Warehouse, Pinatayo ng Gobyerno!

Ibinida ni Department of Agriculture (DA) Secretary Manny Piñol ang inagurasyon ng kauna-unahang monolithic dome sa ating bansa. Ang nasabing dome ay magsisilbi bilang warehouse para sa mga grains sa DA experimental station sa probinsiya ng Cagayan.

Ayon kay Piñol, ang paggastos ng gobyerno ng milyon-milyon para ipagawa at mapanatili ang mga lumang istruktura at warehouses na nasisira ng bagyo ay matatapos na. Ang mga monolithic dome ay kaya raw makipagsabayan sa signal 5 na bagyo. Isa pa sa mga kayang gawin ng dome ay panatilihin ang maayos na temperatura sa loob nito.

“While the temperature outside when I arrived at 3:30 p.m. was a scorching 36C degrees, it was only 21C inside the Monolithic Dome,”

Ang modernong warehouse at dinesenyo ng mga German engineers. Ang monolithic dome ay nakakahalaga ng P10-million at naipatayo sa napakabilis na panahon. Ang unang 8 units ng mga nasabing warehouses ay balak itayo sa mga rehiyon na madalas tamaan ng mga bagyo. Mayroon din daw ng mga dome na nakakahalaga ng P5-milyon pero mas maliit at itinatayo na sa Cagayan Valley Region.

Ang mga dome ay suporta sa mga adhikain ni Pangulong Rodrigo DUterte na mabigyan ng maayos na buhay ang mga Pilipino.

Source: DA Sec. Piñol

Leave a Reply