Local News

Look! NPA Kumander, Pinabayaang Mamatay ng mga Kasamahan! Inilibing sa Mababaw na Hukay!

Sa press release ng 802nd Infantry (Peerless) Brigade, 8ID, Philippine Army, ipinaalam ng kasundaluhan ang sinapit ng New people’s Army (NPA) commander na si ELEAZAR SABIDALAS o alyas Sangay.

Ayon sa impormante na dating NPA, walang pagpapahalaga sa buhay ang mga rebeldeng komunista. Madalas daw ilihim ang sinapit ng kanilang mga kasapi sa kani-kanilang pamilya para pang hindi magkaroon ng demoralisasyon sa kanilang hanay at hindi mabatid ng puwersa ng pamahalaan ang pagkakakilanlan ng bawat miyembro nilang nasawi.

“walang pagpahalaga sa buhay ng bawat kasapi ang pangunahing dahilan kung kaya si alyas SANGAY ay tuluyang namatay. Sa halip na gamutin ang natamong sugat, siya ay sinadyang pinabayaan na siyang naging sanhi ng hindi pa napapanahong kamatayan,” pagbubunyag ng dating rebeldeng komunista.

“Malinaw sa ating lahat na ang NPA ay walang pagpahalaga sa kanilang mga kasapi. Bale-wala sa kanila ang maaaring mararamdaman ng mga naulila, mga magulang na nawalan ng anak, mga kabataang nasira ang kinabukasan at mga pamilyang kanilang winasak. Sa kabila ng lahat, bilang mga Pilipino na may paniniiwala sa Panginoon, bigyan po natin ng halaga ang bawat buhay. Sa pagkakataong ito, nananawagan kami sa pamilya at kamag-anak, magtulungan po tayo para mabigyan ng marangal at maayos na libing ang ating kapwa Pilipino na si ELEAZAR SABIDALAS,” sabi ng pinuno ng 802nd Infantry Brigade na si Brigadier General Zosimo A. Oliveros.

Source: MDM | 802nd Infantry (Peerless) Brigade, 8ID, Philippine Army

Leave a Reply

Theme by Anders Norén