Local News

LOOK! P485 Million Modernong Bagon ng PNR, Ipinakita na sa Publiko!

Ipinakita na sa publiko ang makabagong diesel multiple unit (DMU) trains ng Philippine National Railways (PNR) na binili mula sa kumpanyang PT. Industri Kereta Api (Persero) sa Indonesia. Ang mga bagong bagon ay nagkakahalaga ng P485.31 million. Inaasahang magiging fully operational ang tren sa Disyembre 16.

Ayon kay Department of Transportation Secretary (DOTr) Secretary Arthur Tugade, madadagdagan pa raw ang mga coaches ng PNR sa susunod na taon.

“When we assumed, the administration of President Duterte, there were only 17 routes. As we speak today, there are already 36 operating routes, and that is performance indeed… By January next year, we are expecting to have a total of 40 operating coaches,” sabi ni DOTr Sec. Tugade.

Para naman kay PNR general manager Junn Magno, mas dadami na daw ang maseserbisyuhan ng PNR dahil sa mga bagong bagon.

“Ito mas reliable. Trains namin ngayon can just go 6 trips dahil nga maintenance issues. Ito, we’re slating this for between 8-10 trips per day at 800 [passengers] per set. That’s another 8,000 [passengers] per day capacity we’re putting per train, so we’re introducing 16,000 [passengers] per day… Isa sa safeguards namin dito sinegurado namin may standards kaming fina-follow… puro international railway standards nilagay namin doon sa TOR (terms of reference),” paliwanag naman ni PNR general manager Junn Magno.

Dumalo sa okasyon si Indonesian Ambassador to the Philippines, Dr. Sinyo Harry Sarundajang para masaksihan ang paglulunsad sa mga bagong bagon ng PNR Nangako rin ang ambassador na susuportahan nila ang infrastructure projects ng Pilipinas.

“It is my honor to witness the first delivery of train sets this morning… other Indonesian state-owned corporations look forward to supporting the ‘Build Build Build’ project of President Rodrigo Roa Duterte to strengthen the Philippine economy,” pahayag ni Dr. Sarundajang

Tignan ang litrato ng bagong DMU trains ng PNR na ibinahagi ng netizen na si Daniel Gavino.

Narito naman po ang mga videos mula sa DOTr social media page.

Source: Daniel Gavino | ABS-CBN | DOTr

Leave a Reply

Theme by Anders Norén