Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Panoorin: Panday Sining, Nag-Rally para Palayain ang mga Nambaboy ng Pader!

Nagsama-sama ngayong araw ang mga miyembro ng art wing ng leftist group na Anakbayan sa harap ng Manila Police District (MPD) Headquarters para ipagsigawan ang pagpapalaya sa mga inaresto nilang ka-miyembro.

Sa social media account ng grupo, umatungal ang Panday Sining sa diumano’y ginawa sa mga kakosa nila na naaresto dahil sa bandalismo. Reklamo ng grupo, nakatikim daw ng upak at kinaladkad daw ang kanilang mga miyembro.

“We condemn in the strongest terms the arbitrary abduction and arrest of the members of Panday Sining by the Manila Police Department this afternoon. Four of our members were abducted by police in civilian clothing while riding a jeepney around the vicinity of Mendiola after the successful Bonifacio Day protests by workers and youth. Among the arrested was a minor. They were man-handled and b–ten while being dragged outside the jeepney… We demand the immediate release of these people’s artists. We demand an end to the Duterte regime’s tyranny amid the people’s just demands,” sabi ng Panday Sining sa kanilang Facebook page.

Magugunita na noong Sabago habang nagra-rally ang mga militanteng grupo sa may Quiapo ay namataan ang ilang sa mga miyembro nito na dinudumihan ang isa sa mga poste ng Light Rail Transit (LRT).

Noong araw din iyon ay may naaresto ang mga alagad ng batas na mga miyembro ng Panday Sining.

Magugunita na noong Linggo ay naglabas ng pahayag si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa mga inarestong Panday Sining. Ayon sa alkalde, mananagot sa batas ang mga nambaboy ng public properties.

“You were warned. Nag-abiso na ako. Nananawagan po ako na huwag ninyo nang ulitin. Inulit niyo pa rin. Sinusubukan niyo kung may batas at liderato sa Maynila. Kailangan niyo pong harapin ngayon ang bisa ng batas,” babala ni Mayor Isko.

Source: News5 | Panday Sining | Mayor Isko Moreno | News5 | ABS-CBN | CNN Philippines | DWIZ

Leave a Reply

Theme by Anders Norén