Local News

Look! PNP, Nabiyayaan ng Bagong Robots, Helicopters, Baril, atbp!

Ibinida ngayong umaga ng Philippine National Police (PNP) ang mga makabago nilang kagamitan na aabot sa P3 billion ang halaga.

Ipinakita ng kapulisan ang mga bago nilang helicopters, trucks, firearms, at bomb disposal equipments sa media sa Camp Crame.

Kasama sa mga bagong gamit ng mga alagad ng batas ay ang dalawang single-engine turbine choppers na may halagang P225 million. Mayroon din 31 units ng troop carrier na may halagang naman na P3.1 million. Kasama din sa mga bagong sasakyan ng PNP ay ang 12 units ng pick-up vehicles na may halaga namang P1.6 million. At para madepensahan naman ng ating kapulisan ang kanilang sarili, magkakaroon sila ng 501 units ng combat helmet na may halaga naman na P32 million.

Ayon kay PNP chief Gen. Archie Gamboa , aabot na sa 7 ang helicopter ng kapulisan. Lima sa mga helicopters ay gagamitin sa National Headquarters at ang dalawa naman ay sa Visayas at Mindanao.

DUmaan dumano sa “open competitive bidding” at “rigorous testing” ang mga bagong kagamitan ng PNP.

“It has been the assurance of the committee of inspection and acceptance na dapat sumusunod sa parameters during acceptance process to see to it na may compliance sa standards,” sabi ni Gamboa sa mga media.

Narito po ang kumpletong listahan ng bagong kagamitan ng PNP:

• 2 units Airbus H125 Helicopter (Single Engine)
• 37 units Medium Troop Carrier
• 12 units Toyota Hilux 4×4 Pick up
• 25 units 7.62mm Light Machine Gun
• 7,700 units Galil Ace 5.56mm Basic Assault Rifle
• 2,037 units Emtan 5.56mm Basic Assault rifle
• 11,408 units Canik 9mm Striker Fired Pistol
• 5,500 units Tisas 9mm Striker Fired Pistol
• 8001 units Taurus 9mm Striker Fired Pistol
• 1,000,000 rounds 7.62mm Ctg Link
• 1,091,422 rounds 5.56mm Ctg Link (SS109)
• 53,377 pcs 5.56mm 30 rounds Magazine
• 1 unit Bomb Suit
• 3 units EOD Robot
• 4 units Forensic Comparison Microscope
• 501 units Enhanced Combat Helmet Level III
• 3,413 units Undershirt Vest Helmet IIIA
• 225 units Night Vision Googles
• 19,861 units Ballistic Eyewear
• 4,640 units DMR Handheld Radio
• 397 units VHF Lowband Handheld Radio
• 200 units HF/SBB Manpack Radio
• 3 units Signal Jammer
• 10 units Tracking Optics (Fire Control System)

Source: PNP | Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén