Local News

Look! Transgender, Nag-Picture sa Male Restroom habang may Umiihi!

Kamakailan lang ay naging laman ng balita si Gretchen Diez, ang transgender na nakaranas umano ng “diskriminasyon” matapos pagbawalan umihi sa palikuran ng babae sa isang mall sa Quezon City.

Ang naturang insidente ay naging dahilan para mapag-usapan ang mga karapatan ng mga kababayan natin miyembro ng lesbian, gay, bisexual, and transgender o LGBT.

Iba’t-iba ang naging reaksyon ng ilan nating mga kababayan at politiko sa isyu. May ilan na pabor sa ideya na ipagamit ang mga female restrooms sa mga tulad ni Diez at mayroon din tayong mga kababayan na tutol dito.

Ilan sa hindi pabor ay si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa. Ayon sa mambabatas, maaring daw kasi magamit ito ng mga manyakis upang gumawa ng masama sa mga kababaihan.

“Paano mga lalaki na manyak? Mga manyak papasok sa CR. Magpabakla-bakla siya. Magsuot ng pambabae, ayos bakla, pasok sa CR ng babae tapos gagawa ng kalokohan sa loob. Those are things we have to consider in crafting that law,” sabi ni Senator Bato.

Para naman kay Senate President Tito Sotto, ang pambabaeng palikuran ay nakabase sa biology ng isang tao.

“Restrooms are biology based. Lesbians cannot stand in a male only urinals. Konting reality check naman,” ani Senador Sotto.

Ngayon isang na namang transgender woman ang umeeksena sa social media matapos mag-post ng litrato ng kanyang pagse-selfie sa palikuran ng lalaki. Mapapansin na habang nagse-selfie si Jaz Funakura ay may mga umiihi sa kanyang likuran.

Kalakip ng kanyang picture ay ang caption na ‘Gusto nyo to db? Sge mailang kayo ! 🤣🤣🤣 selfie muna bago umihi . 🤪’.

Ang post ni Funakura ay umani na ng iba’t-ibang reaksyon mula sa mga netizens at naibahagi na rin ng lagpas 8,000 habang ginagawa ang blog post na ito.

Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa pakulo ni Funakura .

“So kasalanan pa ng mga kalalakihan ngayon na maiilang sila kasi may mga kasabayan silang tunay na lalaki pero nagpalit anyo? Ginusto ba nila na maging ganyan kayo. Im not against LGBTQ at sa pinaglalaban nyong karapatan, pero mali banat ng isang to. Walang point— 😌,” sabi ni J. Mariano.

“Hahahaha dami mong alam BOY! May cubicle naman sa gents laki ng issue nyo. Buti pa mga tiboom walang ganyan. Isa lang ibig sabihin nun, may respeto kase sila sa sarili nila. At isa pa, ano man gawin nyo, BOY pa rin sa birth mo loko loko,” sabi ni K. Bautista.

Source: Facebook | archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén