Local News

Look! Wala pang Isang Linggo, Manila Bay Dinumihan na Agad?

Nagva-viral ngayon ang mga larawan kung saan makikita ang ilang basurang nakakalat-kalat sa paligid ng Manila Bay Area. Nakakalungkot lang na may ilan pa ring mga kababayan natin na mas piniling maging dugyot at tila walang pakialam sa hirap ng paglilinis sa Manila Bay. Habang isinusulat ang artikulong ito ay dalawang oras pa lang ang lumilipas ng pinost ng Facebook page ang naturang mga larawan pero umani na ito agad ng daang-daang komento mula mga netizens at naibahagi na rin ng mahigit tatlong libong beses.

Basahin ang reaksyon ng mga netizens sa pag-iwan ng kalat ng ilang bumisita sa Manila Bay

“Dapat ang mga guard naka assign sa lahat ng public spaces may shoot to kill order sa lahat ng mga baboy,” sabi ni R. Gutierrez.

“Sa ibang bansa Hindi uubra style tlaga ng pinoy.dun mahuli ka iwan mo pinag kainan mo padadala sau…dto lng nman ubra lhat ng mAli,” sabi ni L. Tan.

“Dapat may Guard na sumita na dyan at mag banday. tapus kapag nahuli Paglinisin ng buong araw o may Kuta na 1 sakong basura dapat bago makaalis dyan,” sabi ni R. Mercado.

” Cctv lahat ng makuhan community service plus multa dpat maging mahigpit ultimo kapirasong kalat para mabago n ugali ng mga pinoy,” sabi ni S. Barrientos.

“Police visibility ang kailangan sa bay walk. Na mag iimplement ng batas tungkol sa kalinisan,” sabi ni D. Alfonso.

” Hirap talaga ayusin ng ugali ng mga pinoy. Siguro dagdagan na lang din ung mga basurahan dyan para naman magkusa na yang mga yan magtapon ng basura.,” sabi ni M. Cayaban.

Source: Facebook

Leave a Reply