Local News

LP Supporter Rodel Jayme, Ikakanta kung sino ang Sangkot sa ‘Bikoy’ Video!


“Inilaglag ako sa bagay na wala akong alam, na parang tinraydor ako.”

Ganito ang ilan sa mga binitawang pahayag ni Rodel Jayme, ang itinuturong administrador ng metrobalita.com, ang website kung saan unang lumabas ang naging viral video ni alyas “Bikoy”, kung saan tinalakay ang mga diumano’y pagkakasangkot ng mga kaibigan at kaanak ni Pangulong Duterte sa ilegal na droga. Inaresto si Jayme ng pulisya sa kasong “cyber libel”.

Sa eksklusibong panayam ng GMA News kay Jayme, masama ang loob at mariing itinanggi nitong may kinalaman siya sa paggawa, pag-upload at pagpapakalat ng nasabing video.

“Hindi po ako si Bikoy at wala po akong kinalaman doon. Wala rin po akong kinalaman doon po sa pag-upload,” saad ni Jayme.

Isinalaysay din ni Jayme kung paano umano siyang kinontak ng isang kakilala upang gumawa ng website kapalit ng kaukulang halaga noong March 31, 2019. Dagdag pa ni Jayme, matagal na umano niyang kakilala ang nasabing kumumbinsi sa kanya, taong 2015 Presidential campaign pa.

“Nag-chat lang sa akin na kung puwede akong makipagkita. Then, nung nagkita kami sa may Las PiƱas, sa isang lugar dun, mall, dun nagsabi na ‘yun nga po, kailangang gumawa ng website, na gagamitin lang naman po for posting ng mga articles for campaign. Kandidato po ng Otso Diretso ang ipo-post po dun sa website,” ani Jayme.

“Ibinigay ko po ‘yung access doon sa nagpagawa, then, April 2, no idea po ako dahil wala po ako sa bahay, nasa isang pagkakatipon po ako sa church, bigla pong na-upload ‘yung video (ni Bikoy) so wala po akong alam,” dagdag pa ni Jayme.

Nang kumalat na ang nasabing video, muli raw nakatanggap ng instructions si Jayme mula sa nagpagawa sa kanya ng website.

“‘Yung plano na sinasabi nga po sa akin is yung magtago nga daw po, na within one month dahil kumbaga parang lumalabas is, ngayon lang mainit ‘yan hanggang eleksyon, dahil parang lalabas po yata si Bikoy bago mag-eleksiyon,” pahayag ni Jayme.

“Kung tutuusin, inupload ‘yung video na hindi man lang sinabi sa akin, na alam nilang nandiyan ‘yung pangalan ko dahil siyempre ang alam ko lang is malinis ‘yung intensiyon nung pagpapagawa,” dagdag pa ni Jayme.

Ayon din kay Jayme, isa umano sa mga bilin ng nagpagawa sa kanya ng website ay mag-delete umano ng conversation ngunit hindi umano niya ito ginawa, dahil aniya ay alam niyang maaari niya itong maging ebidensiya kung sakaling may mangyari.

Kasalukuyan nang sinisiyasat ng National Bureau of Investigation (NBI) ang computer at laptop na ginamit ni Jayme para sa iba pang ebidensiya. Handa naman umano siyang makipagtulungan sa mga ito sa ikalulutas ng kaso at ituro ang nasa likod ng nasabing website.

Source: GMA

Leave a Reply

Theme by Anders Norén