Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

LRT-1 Cavite Extension Construction, Sinimulan Na!


The long wait is over!

Opisyal nang sinimulan ang konstruksyon ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) Cavite Extension ngayong Martes, Mayo 7, limang taon matapos i-award ang proyekto sa Light Rail Manila Corporation (LRMC), mula sa ulat ng Inquirer.

Sa ilalim ng nasabing Cavite Extension Project, itatayo ang walong mga karagdagang istasyon para sa LRT-1 at ito ay ang: Aseana, MIA, Asiaworld, Ninoy Aquino, Dr. Santos, Las Piñas, Zapote, at Niog sa Cavite. Nasa 11.7 kilometro ang karagdagang sakop nito sa kabuuan at inaaasahang makapagsasakay ng nasa 800,000 pasahero araw-araw.

Bahagi pa rin ang nasabing proyekto ng programang “Build, Build, Build” ng Administrasyong Duterte, sa tulong ng Japan International Cooperation Agency (JICA).

Ayon sa mga opisyal, inaasahang magsisimula ang operasyon ng unang limang karagdagang istasyon ng LRT-1 sa katapusan ng taong 2021. Mula sa mahigit na isang oras ay maaari na raw nitong mapaiksi ang byahe mula Baclaran patungong Cavite sa loob lamang ng 25 minuto.

Kabilang sa mga dumalo sa commencement program sa C5 Highway sa Parañaque para sa nasabing proyekto sina Transport Secretary Arthur Tugade, Executive Secretary Salvador Medialdea, Public Works and Highways Secretary Mark Villar, at re-electionist Cynthia Villar.

Naroroon din sina Undersecretary for Railways Atty. Timothy John Batan, LRMC President Juan Felipe Alfonso, Japanese Ambassador to the Philippines Koji Haneda at JICA Chief Representative Yoshio Wada.

Source:
Inquirer | DOTr

Leave a Reply

Theme by Anders Norén