Local News

Lt. Gen. Parlade, Hayagang Kinastigo ni Defense Sec. Lorenzana?

Nitong nagdaang mga araw ay naging sikat si Lt. General Antonio Parlade dahil sa babala niya sa mga artista at sikat na personalidad na nagagamit ng mga makakaliwang grupo tulad ng Gabriela. Isa sa mga binabalaan ng army official ay Liza Soberano na dumalo sa webinar ng Gabriela Youth.

Si Parlade ay kasapi ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC). Ang task force na tutugon sa pagkakalat ng lagim ng mga komunista.

Payo ni Parlade, kung hindi lalayo ang aktres sa nasabing grupo ay baka matulad ito sa kapalaran ni Jo Lapira. Si Lapira ay miyemrbo ng Gabriela, sumali sa armadong pakikipagbaka at nasawi.

Ang naging pahayag na ito ni Parlade ay hindi nagustuhan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana. Tila kinastigo ni Lorenzana ang nmga sinabi ni Parlade.

“My thoughts about that is if there is no evidence yet, do not talk about it… Although Elcac is a very good idea, it is not right to shotgun everybody. [We] should be selective. We should have evidence … Otherwise, just keep quiet… Because this brouhaha has already grown, I think we should talk about what should be done,” sabi ni Secretary Lorenzana.

Pinuna naman ng abogado at radio host na si Atty. Trixie Cruz-Angeles sa naging reaksyon ni Lorenzana kay Parlade. Ayon sa abogado, parang gustong pagalitan ni Lorenzana si Parlade. Kinuwestiyon dinni Atty. Trixie kung nasa ilalim ng chain of command ni Lorenzana ang NTF-ELCAC at si Parlade.

Base sa official gazette, ang NTF-ELCAC ay pinamumunuan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang chairman. Si National Security Adviser Hermogenes Esperon naman ang vice chair. At miyembro naman ng task force ang mga ilang kalihim ng Duterte Government, isa na dito ay si Lorenzana.

Source: Luminous | Official Gazette

Leave a Reply

Theme by Anders Norén