Local News

Lt. General Parlade, Umaastang Terorista sabi ni Gabriela Congresswoman Brosas!

Hinalintulad ni Gabriela Partylist Congresswoman Arlene Brosas si Lt. General Antono Parlade sa isang terorista dahil sa pagbababala at pag red-tag sa mga kilalang personalidad.

Magugunita na naging matunog ang pangalan ni Parlade nitong nagdaang mga araw dahil sa pagpayo nito sa mga sikat na personalidad sa showbiz na lumayo sa mga leftist groups na tulad ng Gabriela. Paalala ni Parlade, baka matulad ang mga artista sa sinapit ng ilang Gabriela Youth member na kalaunan ay naging New People’s Army (NPA) at nasawi sa bakbakan sa mga militar.

“Let us not red-tag Liza Soberano. It’s not fair to her. She is merely supporting advocacy for women’s rights. She has to be protected in the exercise of her rights. Is she an NPA? No, of course not. Not yet. So let’s help educate her and the other celebrity targets of Malayang Kilusan ng Bagong Kababaihan (MAKIBAKA), the Underground Mass Organization hiding under Gabriela Women’s Party…

Liza Soberano, there’ s still a chance to abdicate that group. If you don’t, you will suffer the same fate as Josephine Anne Lapira @ELLA, former Deputy Secretary General of Gabriela Youth of UP, Manila and defender of women’s rights, even against sexual predators amongst her comrades in the NPA unit she joined which is clearly stated in her handwritten letter addressed to a certain @EMIL…

It’s a pity she learned about non sense things like nabbing a firearm, exploitation while already inside the underground. It was too late, she is dead.” payo ni Lt. General Parlade.

Para kay Brosas, umaastang terorista daw ang heneral dahil sa pananakot nito.

“Kung tingin ni Parlade na may naloloko siya sa sinasabi niya laban sa kanila, nagkakamali siya. Hindi terorismo ang pagtulong sa kapwa. Siya pa nga itong umaastang terorista sa ginagawa niyang pananakot sa mga nagmamalasakit sa kapwa… Parlade is a publicly-funded Halloween mascot for repeatedly scaring off and threatening women’s rights advocates,” sabi ni Brosas.

Magugunita na isa ang partylist ni Brosas sa ikinokonekta ni Lt. General Parlade sa Communist Party of the Philippines (CPP).

Matatandaang may isang video si CPP Founder Joma SIson kung saan sinabi nito na isa ang Gabriela sa mga pwersang legal ng mga komunista.

Source: GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén