Local News

Watch! ‘Lugaw ay Hindi Essential!’ Babae, Sinita ang Food Delivery!

Viral ngayon ang video kung saan sinisita ng babaeng nagpapatupad ng curfew ang isang food velivery rider.

Ayon sa babae, hindi daw kasama ang lugaw sa mga essentials na itinakda ng Inter-Agency Task Force (IATF).

“Bakit may Grab pa kasi? Bawal na ho tambay. Kasi hanggang bukas kayo, may taong lalabas, may magde-deliver. Non-sense, Sir. Video mo pa ako… Hindi nyo ba naiintindihan?… Essential po ba si lugaw? Hindi… Kasi mabubuhay ang tao nang walang lugaw… Edi sana lahat ng pagkain bukas… Hindi po essential si lugaw, mabubuhay po tayong walang lugaw maghapon,” sabi ng babaeng sumisita.

Pinaliwanag naman ng rider na pagkain ang lugaw kaya dapat kasama ito sa mga essential pero nakipagmatigasan pa ang babae.

Ang video ay ibinahagi ng Facebook page na The South PH.

“Paanong hindi essentials ang LUGAW? 🤷🥴Hindi ba pagkain yun ate?! Mukhang mas magulo ka pa ata sa IATF eh. Gulong-gulo na nga tayo dumagdag kapa. Kawawa naman ang mga Food Riders natin. Keep safe kayo lagi! ”

Narito ang reaksyon ng ilang netizens sa pinagsasabi ng babae.

Source: The South PH

Leave a Reply

Theme by Anders Norén