Local News

‘LUKARET! Wag mo ko Idamay sa Drama mo!’ Radio Host, Binoljak si Linn Silawan

Kamakailan lang ay naging laman ng social media ang Oversease Filipino Worker (OFW) sa Taiwan na si Elanel Egot Ordidor alya Linn Silawan dahil sa pagmumura nito kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte at sa mga sumusuporta sa gobyerno o Duterte Die-hard Supporters (DDS). Sa ilang Facebook videos ni Ordidor, gusto nitong palabasin na patay-gutom ang mga (DDS) at nagbanta pa sasampalin daw niya ang Presidente ng Pilipinas.

Dahil sa kabalbalan na pinagagagawa ni Ordidor, hiniling ng Department of Labor and Employment (DOLE) Attache sa Taiwan na ipa-deport si Ordidor.

“We are constrained to act for the deportation of a Filipina working as caregiver in Taiwan for the crime of cyber libel for willful posting of nasty and malevolent materials against President Duterte on Facebook intended to cause hatred amidst the global health crisis brought about by the COVID-19 pandemic.

…Due to her acts, POLO coordinated with her broker and employer on her deportation on the basis of the gravity of Ordidor’s offense under Philippine Law. The sharing and posting of such videos are punishable under Cyber libel under Republic Act No. 10175.” sabi ng DOLE.

Sa isang pahayag, kinuwestiyon naman ni Ordidor ang pagbatikos ng mga pro-government bloggers kay Vice President Leni Robredo.

“Noon sila Sassot, sila Mocha Uson, sila Andrew, sila Thinking Pinoy na binabalahura si Madame Leni, iyon po ba ay inoobliga ng gobyerno na magsosorry sila sa Vice President natin?” sabi ni Ordidor.

Ang mga boladas na ito ni Ordidor ay nakarating sa radio host at Manila Bulletin columnist na si RJ Nieto aka Thinking Pinoy.

“Don sa lukaret na Taiwan OFW: Ning, nagagaga na ako rito sa paghanap ng PPE for frontliners. Wag mo na ko isali sa drama na yan,” resbak ni Nieto.

“Jusko, nagkakamatayan na ang mga Pilipino pero pulitika pa rin ang inaatupag. Magbagong-buhay na kayo my gahd I heyt drahgs,” dagdag pa ni Nieto.

Source: Thinking Pinoy | InterAksyon

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: