Local News

“Lumabag sa Batas ang ABS-CBN! ‘Di sila Pwede Lumabas!” Rep. Marcoleta

Hindi nakaligtas ang mga ABS-CBN officials kay Deputy Speaker Rodante Marcoleta nang humarap ang mga ito sa kongreso para sa talakayin ang legislative franchise na gustong makamit ng Kapamilya network. Sa talumpati ng kongresista, sinabihan niya ang mga opisyal ng ABS-CBN na kahit na nagbibigay ang mga ito ng kaaliwan sa mga Pilipino ay kailangan ng kanilang kumpanya na sumunod sa batas.

“Hindi po ba mas maganda at katanggap-tanggap na tumulong sa kapwa na walang nilalabag sa batas at buong sikap na nasusunod ang prangkisa. Dahil po ba kayo ay nakakapagdulot ng saya, aliw sa ating mamamayan, nakakapagbigay ng inspirasyon, katatagan ng loob, pag-asa, katulad sa sinabi sa opening salvo ng representative ng ABS-CBN, hindi na po ba natin susundin o tutuparin, isasalang-alang ang batas, o ang prangkisa ninyo? Makakapagpasaya naman tayo, makakapag-inspire tayo nang hindi po tayo lumalabag sa batas… Hindi po nag-comply sa batas ang ABS-CBN kaya hindi po sila pwede lumabas at magpalabas,” sabi ni Rep. Marcoleta.

Narito po ang buong pagdinig sa kongreso.

Source: SMNI | News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén