Local News

Lumalaban ako para sa mga tao! – Angel Locsin, Rumesbak sa GMA7 Writer

Naging laman ng social media nitong nagdaang mga araw si ABS-CBN actress Angel Locsin dahil sa naging pahayag niya sa isinagawang rally at noise barrage ng Kapamilya network para angalan ang hindi pagbibigay ng prangkisa sa kanilang istasyon.

Sa kanyang pagsasalita sa naturang pagtitipon, sinabi ni Locsin na wala siyang shares at kontrata sa ABS-CBN.

“Wala akong shares sa ABS-CBN. Wala akong kontrata pero itong mga taong ito, sila yung nagbigay ng trabaho sa akin. Sila yung tumulong sa akin nung walang-wala ang pamilya ko,” banat ni Locsin

Ang pahayag na ito ng aktres ay agad sinaliksik ng ilang kababayan natin at natuklasan nila sa isang public document na may petsang June 30, 2020 na isa si Locsin sa top 100 stockholders ng Kapamilya network.

Dahil sa nabunyag na dokumento, binanatan ni GMA 7 writer Suzette Doctolero si Locsin. Binoljak din ni Doctolero ang sinabi ni Locsin na walang-wala daw siya noong lumipat sa ABS-CBN.

“A e I admire your courage po pero huwag exag. Kumita ka ng sobrang laki sa GMA. Malaki ang net worth mo nung lumipat ka sa kabila. Sa totoo lang tayo ha. Kaloka. Though baka naman din kasi sa sobrang silakbo lang ng damdamin mo kaya mo siguro nasabi ang tila yata kasinungalingan na padrama mo na ito, right? pero, gurl, we know at ng BIR na di ka patay gutom nung lumipat ka sa kabila, teh. But go, tuloy ang laban, gurl. Wag lang oa sa mga statement. Sa truth lang tayo, yes! Btw, ginawa ka naming Darna. Im glad na until now ay nakakabit sa iyo ang pagiging superhero.. kaya sana konting lingon naman ng konti sa pinanggalingan at huwag magsisinungaling ha? Ang totoong hero ay may integredad at di liar, di ba?” buwelta ni Doctolero.

Pumalag naman si Locsin sa banat ni Doctolero.

“Totoo po na ang buong entertainment industry anf tumulong sa akin nung walang-wala pa kami. Kaya lumalaban ako para sa lahat – Kasama po kayo dun 🙂 Malaki ba ang utang na oob ko sa GMA? Yes, malaki po. BUt for you to discredit me while I’m fighting for the people. shame on you,” boladas ni Locsin.

Nagbigay naman ng opinyon ang blog site na Luminous by Trixie Cruz-Angeles & Ahmed Paglinawan. Ayon sa blog na pinatatakbo ng mga abogado, parte ng problema si Locsin at hindi daw niya pwedeng sabihin na lumalaban siya para sa mga tao.

“For the people? ABS CBN is not “the people”. Their interests and the public interest do not necessarily coincide.

FOR THE PEOPLE yung labanan ang panggugulang ng ABS CBN, yung dominance of thought and belief na iniimpose nito sa taong bayan. Yung dami ng stations, yung pag ere ng dalawang channels, yung pagsisik nito sa frequency ng AMCARA… all of these impose a singularity of point of view that is dangerous for the public. Especially if that singular projection dumbs down the population.

When you are part of the hegemony, you cannot say you are fighting for the people. You are part of the problem.” paliwanag ng Luminous.

Source: Luminous | Suzette Docotolero“>Suzette Doctolero

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: