Local News

‘Lumantad kayo, Hindi puro Alegasyon!’ Gordon, Sinupalpal si Bikoy!

Habang ang ilang miyembro ng oposisyon sa senado ay nanawagan na buksan muli ang imbestigasyon laban kay Presidential son at former Davao City Vice Mayor Paolo “Polong” Duterte kaugnay sa alleged smuggling ng illegal drugs sa Bureau of Custom (BOC), si Senador Dick Gordon naman ay nanindigan na hindi na ito dapat buksan.

Sa isang phayag, sinabi ni Gordon na hindi niya pwedeng buksan muli ang immbestigasyon kung walang matibay na ebidensiya ang mga nag-aakusa.

“Hindi ko pwedeng buksang muli ang imbestigasyon at magsagawa ng hearing base lamang sa mga alegasyon,” sabi ni Gordon.

Hinamon niya rin sina former PSSUPT Eduardo P. Acierto at ang alyas ‘Bikoy’ na lumantad at magsumite ng sworn affidavit.

“Magpapatawag lang ako ulit ng hearing kapag haharap sa min si Acierto at Alyas Bikoy at kapag nagsumite ng kanilang sinumpaang salaysay kakabit ang matitibay na ebidensya,” banat pa ni Gordon.

Si Bikoy ay ang karakter sa mapanirang video laban sa pamilya Duterte na ikinakalat ng ilang kontra sa kasalukuyang administrasyon. Sa mga video, sinabi ni Bikoy na sangkot ang ilang kaanak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kalakaran ng droga. Pati ang menor de edad na ank ng Pangulo na si Veronice “Kitty” Duterte ay siniraan din ni Bikoy.

Matatandaang lumantad ang isang alkalde sa Maguindanao at sinabing ninakaw ang kanyang pirma at ginamit ito sa mga dokumentong ipinakita ni Bikoy laban sa pamilya Duterte.

Source: News5 | PNA

Leave a Reply

Theme by Anders Norén