Local News

Lumobo na sa 56 ang Suspected Coronavirus Case sa Pilipinas!

Umabot na sa 56 na katao ang inoobserbahan ngayong Biyernes dahil sa hinalang novel coronavirus, ayonsa Department of Health. Ito ay isang araw matapos ideklara ng DOH na nagkarron na ng unang kumpirmadong kaso ng coronavirus sa Pilipinas.

Magugunita na kahapon ay nasa 29 lang ang suspected coronavirus case.

Kaninang umaga ay kinumpirma ni Senador Bong Go na inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang temporary travel ban sa mga biyehrong mula Wuhan City, China at Hubei Probince, ang lugar kung saan pinaniniwaalaang nagmula ang nsabing sakit.

“Nais ko pong ipaalam sa publiko na nakausap ko po si Pangulong Rodrigo Duterte kanina at inirekomenda ko ang pag-impose ng temporary travel ban upang maprotektahan ang ating mga kababayan sa pagkalat ng Coronavirus. Sang-ayon po si Pangulo na iimplementa ang temporary travel ban sa mga manggagaling mula Wuhan city and the entire Hubei province ng China… The President and concerned government officials are also studying the possibility of imposing temporary travel restrictions for those coming from other places affected by the infection… Rest assured that the Duterte administration takes this threat seriously. I am appealing to the public to cooperate with authorities in order to ensure the safety of everyone,” sabi ni Senador Go.

Inanunsyo na rin ng World Health Organization (WHO) na maituturing na “international emergency” ang mabilis na pagkalat ng sakit.

“The main reason for this declaration is not because of what is happening in China but because of what is happening in other countries… Our greatest concern is the potential for this virus to spread to countries with weaker health systems which are ill-prepared to deal with it… This declaration is not a vote of non-confidence in China… On the contrary, WHO continues to have the confidence in China‚Äôs capacity to control the outbreak,” sabi ni WHO director-general Tedros Adhanom Ghebreyesus.

Dineklara kahapon ng Kagawaran ng Kalusugan ang unang kumpirmadong kaso ng coronavirus sa ating bansa. Ang pasyente ay isang 38-anyos na babaeng Tsino lumapag sa Pilipinas noong Enero 21. Ang pasyente ay nagmula sa Wuhan City, Chin at dumaan sa Hongkong bago dumating sa Pilipina. Dumaing ito ng pag-ubo kaya dinala sa isang government hospital sa Maynila.

Source: CNN Philippines | Inquirer | Bloomberg

Leave a Reply

Theme by Anders Norén