Local News

“Lying Libels” DFA Sec. Locsin, Binoljak ang Media!

Sa isang social media post, pinatikman ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teddy “Boy” Locsin ang mga miyembro ng media ng kanyang banat. Ayon kay Locsin, karamihan daw sa mga media ay mahilig gumawa ng kathang-isip na istorya at nagpapanggap daw na mayroong mga sources sa mga ulat nilang kasinungalingan. Si Locsin ay dating mamamahayag bago ito pumasok sa politika.

“See. And am I still hearing that Duterte is an enemy of freedom of the press? Aver? Am I still hearing that? He’s willing to take the risk that the media who are avid fictionist will pretend they had sources for their lying libels,” banat ni Locsin.

Sinabi ito ng kalihim matapos pirmahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pag-amiyenda sa REPUBLIC ACT NO. 1477 o tinatawag na Sotto Law, ang batas na nagbibigay-daan sa mga mamamahayag na protektahan ang katauhan ng kanilang sources.

Sa inamiyendahang batas, hindi pwedeng pilitin o puwersahin ang mga publisher, journalist, writer, reporter, editor, columnist at ilan pa na nagtatrabaho sa mass media na pangalanan ang kanilang sources.

Maaring lang daw ilabas ang source ng mga mamamahayag kung pinag-uusapan na ang seguridad ng bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ang pagpirma ng Presidente Duterte sa batas ay nagpapakita lang na iginagalang o nirerespeto ng gobyerno ang kalayaan sa pamamahayag.

“By signing this law, the President has reinforced jurisprudence on the matter which pronounces that, ‘[t]he sanctity of a newsman’s source of information is not only intended to protect a newsman but also the source of his information. When a person transmits confidential information to a newsman, he is exercising his freedom of speech on condition of anonymity’… The Palace therefore welcomes this as a manifestation of how the Chief Executive and his Administration respect and uphold the constitutional guarantee on the freedom of the press,” paliwanag ni Panelo.

Source: News5 | ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén