Local News

Ma-impluwensyiang Alagad ng Simbahan, Nangialam sa Kaso ni Ex-Mayor Sanchez?

Ibinunyag ni former Pasig Regional Trial Court Judge Harriet Demetriou na noong panahong gumugulong ang paglilitis kay former Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez, nilapitan umano siya ng isang ma-impluwensiyang opisyal ng simbahang katoliko.

Ayon kay Demetriou, nakipagkita daw sa kanya ang noo’y Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin para iabot ang liham galing kay Lucena Bishop Pedro Bantique.

“When I read it, the contents was Sanchez daw is a very good person. He’s innocent daw of the charges against him,” sabi ni Demetriou.

Hindi naman nagpadala si Demetriou noong panahon na iyon at diretsahang tinabla daw ang hiling ng ex-archbishop.

“Your Eminence, I cannot take this at face value. Sabi ko, ‘Bakit ho nasasabi niya na si Sanchez ay napaka bait na tao? Dahil ba sa donasayon ni Sanchez sa diocese nila?,” kuwento pa ni Demetriou.

Nagbigay na lang si Demetriou sa opisyal ng simbahan ng suhestiyon na maging state witness para kay Sanchez sa korte. Pero hindi raw ito nangyari.

Si Demetriou ang hukom na humawak sa rape-slay case ni Sanchez. Hinatulan ni Demetriou si Sanchez ng hambabuhay
na pagkakakulong dahil sa pagpaslang nito sa dalawang estudyante ng University of the Philippines Los Baños (UPLB) na sina Eileen Sarmenta at Alan Gomez. Giit ni Demetriou dapat ay sumakabilangbuhay si Sanchez habang nasa piitan ito para mapagbayaran ang kasalanang ginawa noong 1990’s.

Naging matunog muli ang pangalan ni Sanchez matapos iulat ng ilang media na kasama daw ito sa listahan ng mga presong nire-review para sa Good Conduct Time Law na makakapagpababa sa sentensiya ng isang bilanggo. Ayon sa otoridad diskuwalipikado si Sanchez sa naturang batas dahil sa karumal-dumal na krimen na ginawa nito at sa paglabag din sa patakaran sa bilangguan.

Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) Director General Nicanor Faeldon, walang katotohanan na lalaya si Sanchez.

“Si Sanchez is not yet released, we are not even reviewing his papers but madami na akong nakikita sa news feed niyo na sinasabi niyo na politically motiviated. Please help the country. Huwag naman mag-speculate ng ganyan-ganyan. We are doing our best here because judicious nga tayo. Nagpa-panic na ang buong bansa. We are creating worries sa buong bansa based from speculations,” sabi ni Faeldon

Source: DWIZ

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: