Local News

Maaksyong Barilan sa Labas ng Hotel, Sapul sa CCTV!

Nahagipt sa CCTV ang nangyaring barilan sa labas ng isang hotel sa San Pablo, Laguna. Mapapanood na biglang tumayo ang dalawang lalaki na kinilala na sina Staff Srgt. Egar malabuyo at si Romel Bitermo at nagpaputok ng baril.

Ayon sa ulat ng GMA News, rumesbak ang dalawa matapos pagbabarilin ng lalaki ang kaibigan nilang si Ricardo Carabana. hindi nakunan sa CCTV ang pagbaril kay Carabana na nagkaroon ng maraming sugat sa katawan. Nadala pa sa pagamutan si Carabana pero binawian din ng buhay. Si Bitermo naman ay nagtamo ng sugat sa braso at kamay.

Nakatakas naman ang suspek sakay ang motorsiklo nito.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad kaugnay sa nangyaring insidente ng barilan.

Source: GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén