Local News

“Maayos ko siyang Kina-usap” Sabi ng Nagwalang Pulis!

Dumipensa si Police Senior Master Sergeant Arnulfo Ardales, ang pulis na nag-viral, dahil sa pagwawala sa isang karinderya at pagbabanta sa kapwa nito kustomer.

Ayon kay Ardales, kina-usap niya daw ng maayos ang kapwa niya kustomer na si Aaron Estrada pero inisulto daw ni Estrada ang pagkapulis niya. Handa din daw sana siya humarap sa reklamo laban sa kanya pero inaayos lang daw niya ang problema sa kanyang pamilya na na-apektohan sa nag-viral na video.

Sa video na kumalat sa social media, makikita si Ardales na galit na galit habang bumibili ng pagkain sa isang karinderya dahil “nasapawan” o “nasingitan” umano ito ni Estrada. Maririnig sa video ang sari-saring pagmumura at pagbabanta ni Ardales kay Estrada. Hindi na kumibo si Estrada at humingi pa ng paumanhin sa pulis pero tuloy pa rin ang pagpuputak ni Ardales. Dumating pa sa punto na tinangka ni Ardales na isakay si Estrada sa police mobile nito. Bago umalis ang pulis ay sinabi pa nito na “markado” na daw niya si Estrada.

Ayon sa ulat, ipinatawag daw si Ardales sa San Juan Police Headquarters pero hindi ito lumitaw.

Nagpaliwanag naman si Estrada at itinanggi ang bintang ng pulis laban sa kanya. Dahil sa takot kay Ardales, hindi na nakapasok sa trabaho si Estrada.

“Nakabalot na ang ulam niya. Ako, tumintingin ako ng ulam. Kaya sinabi niya sa video na dumudungaw daw ako at hinaharangan ko daw siya. Hinihila niya ako kasi aarestujhin niya daw ako. Tapos pinagtutulak niya na ako hanggang tumama ako sa ref ng karinderya,” sabi ni Estrada.

Kinausap naman ni National Captial Region Police Office (NCRPO) Chief Guillermo Eleazar si Estrada at ipinaalam sa biktima na tinanggal na si Ardales habang iniimbistagahan ito.

“I am admonishing o binibigyan ng warning ‘yung police na iyon dahil mali talaga. So, nakita natin doon na klaro na may maling asal na ginawa. But still, it has to be investigated,” sabi ni Eleazar.

Ayon pa kay Eleazar, kahit anu pa raw ang nangyari sa pagitan ni Ardales at Estrada, hindi naging tama ang inasta ng pulis.

“Para murahin mo o takutin na huhulihin for an offense na hindi naman klaro. That is something na hindi natin hahayaan,” dagdag pa ni Eleazar.

Source: GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén