Local News

Madre, Suportado ang SOGIE Bill

Kung ang ilang personalidad sa mga religious groups ay hindi pabor sa Sexual Orientation and Gender Identity or Expression (SOGIE) Equality Bill (tulad ni Bro. Eddie Villanueva, leader ng Jesus Is Lord Movement), para sa katolikong madre na si Sister Mary John Mananzan, hindi nagbibigay ng “special rights” ang panukalang batas sa isang partikular na sektor.

“I don’t see that this bill is giving any special right to this group. They are just saying that the rights of everybody should also be applied to them,” sabi ni Mananzan.

“As a religious woman I believe in the respect, compassion, and reverence for all persons because I believe they were all made in the image and likeness of God,” dagdag pa ng madre .

Tutugunan lang daw ng SOGIE bill ang mga alalahanin ng mga miyembro ng LGBT community.

Magugunita na inalmahan ni Bro. Villanueva ang ilang probisyon ng SOGIE bill. Baka raw magamit ito para sikilin ang malayang pamamahayag at pagrerelihiyon.

“It imperils freedoms of speech and religion… What happens to a Christian like me and to the majority of people in this august chamber if we are to be threatened with punishment every time we share our Bible-based beliefs on matters of transgenders and homosexuals?… We respect the lives they (LGBT) choose to lead, but to make us conform to their lifestyle with the threat of punishment under our necks if we do not, is in itself a violation of our own rights” sabi ni Villanueva.

Ang usapin sa SOGIE Bill ay naging isang mainit na isyu nitong Agosto matapos ang insidente ng diuumano’y “diskriminasyon” sa transgender na si Gretchen Diez. Sa live social media video ni Diez, pinalalabas nito na biktima siya ng diskriminasyon matapos siyang pagbawalan ng janitress na gumamit ng female restroom.

Sa isang pahayag naman, sinabi ni Senate Presidente Vicente “Tito” Sotto na mayroong mga kababaihan na nagreklamo sa presensiya ni Diez sa female toilet. Mayroon din daw siyang kopya ng CCTV footage ng nangyari bago ang naging kumprontasyon ni Diez at ng janitress.

Source: ABS-CBN | ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén