Local News

‘Mag-iisang taon na ang Pandemiya, ABS-CBN Tax pa rin ang Problema!’ Actress Nikki Valdez, niresbakan si PDU30!

Hindi nagustuhan ng akres na si Nikki Valdez ang banat ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte laban sa ABS-CBN. Ayonkay Valdez, ABS-CBN pa rin daw ang pinagtutuunan pa rin ng pansin ng Presidente kahit na mag-iisang taon na ang pandemiya dala ng covid.

“Mag-iisang taon na sa March ang pandemiya, tax pa rin ng ABS-CBN ang problema?” boladas ni Valdez.

Magugunita na sa kaniyang public address ay sinabi ng Pangulo na hindi niya papayagan na mag-operate ang istasyon kahit pa mabigyan ito ng prangkisa.

Now ito ngayon sa last. Itong nangyari sa itong mga Lopez of Companies. Ang Congress is planning to restore the franchise of the Lopez. Wala akong problema doon kung i-restore ninyo. But if you say that if they can operate kung may — may ano na sila, no, I will not allow them.

I will not allow the NTC to grant them the permit to operate. Kung ibigay ninyo ‘yung franchise because it is within your power to do it, go ahead. Alam mo bakit? Unless and until mabayaran ng mga Lopez ang taxes nila, I will not — I will ignore your franchise and I will not give them the license to operate. Kalokohan ‘yan.

Parang binigyan mo sila ng prize for their being — for committing criminal acts. Iyong — ito ‘yung pinagbili ng ano, pinagbili ng Lopez iyong Lopez of Companies kasi maraming utang. So binili nila na lahat — pati ‘yung mga utang, pinagbili ng Lopez doon sa DBP,” paliwanag ni Pangulong Duterte.

Source: News5 | PCOO

Leave a Reply

Theme by Anders Norén