Local News

Mag-ina, Patay sa Sunog sa Sta. Cruz, Maynila!

Kalunus-lunos ang sinapit ng isang bata kasama ang kanyang ina matapos silang ma-trap sa isang sunog na naganap sa loob ng kanilang bahay sa Elias Street, Brgy. 352, Sta. Cruz, Manila ngayong Miyerkules nang umaga, Abril 28.

Batay sa mga ulat, sa ikalawang palapag na-trap ang 36-anyos na ginang at ang pitong taong gulang na anak na babae nito.

Ayon sa ilang mga residenteng nakasaksi sa naganap na sunog, nakarinig umano sila nang sunud-sunod na putok na tila “fireworks” mula sa loob ng tahanan ng mga biktima, kasabay ng pagliyab ng nasabing bahay. Ilang saglit pa ay nakita umano nila ang mag-ina na humihingi ng tulong at tinangkang makatakas mula sa apoy subalit sa kasamaang palad ay hindi nakalabas ang mga ito dahil sa rehas sa pasemano ng bintana.

Kasalukuyang nagsasagawa ang mga awtoridad ng imbestgasyon upang matukoy kung ano ang pinagmulan ng nasabing sunog.

Samantala, naisugod naman umano ang ama ng tahanan na sinasabing may matinding sunog din sa katawan sa Jose Reyes Memorial Medical Center.

Source:
Super Radyo DZBB
ABS-CBN News
Boy Gonzales Facebook Page

Leave a Reply

Theme by Anders Norén