Local News

‘Mag-resign ka! Tignan natin galing niyo!’ Drilon, Hinamon ng Malacañang!

Rumesbak ang Palasyo sa dalawang seandor mula sa oposisyon. Ito ay matapos banatan nila Senador Francis Pangilinan at Franklin Drilon ang ginagawang pag-angkat ng gobyerno ng bkuna.

Buwelta ni Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, nagmamagaling daw si Drilon. Kaya mas mabuti daw kung magbitiw na lang ito sasenado at tumulong na lang sa pagtugon sa pandemiya.

“Ito rin si Frank Drilon… sinisisi niya na naman ang gobyerno. Isa rin ito magaling din itong manisi. Eh sumama ka na rin kaya. Mag-resign ka na rin. Oo, kayong tatlo. Ikaw, sino pa, si Pangilinan, si Lacson. Mukhang ang gagaling ninyo eh. Mag-resign kaya kayong tatlo at kayo tumulong kayo dito para makita natin ‘yung kagalingan ninyo,” banat ni Panelo.

Binira din ni Panelo si Pangilinan at sinabing kumampi kay Senador Ping Lacson.

“O baka gusto mo ikaw rin. Magsama na kayo ni Ping Lacson. Kayo mag-resign ka na rin Kiko Pangilinan. Marami ka rin reklamo… Tingnan nga natin ‘yung mga galing ninyo. Sige, tulong-tulong na kayo. Kayo magpatakbo,” buwelta pa ni panelo.

Hindi rin nakaligtas si Lacson sa banat ni Panelo. Ayon kay Panelo, reklamador daw ang senador. Hindi rin daw niya narinig ang mga naturang senador na umapela sa publiko na sumunod sa mga health protocols kundi puro pagpuna lang.

“He sounds or he acts as if he is a competent person to deal with the virus, in the rollout. Madami siyang reklamo. Tingnan natin ang galing niya… Never ko pa kayo naririnig. Isang taon na tayong ganito. Ang naririnig ko puna dito, puna doon,” ani Panelo.

Source: MB

Leave a Reply

Theme by Anders Norén