Local News

Lagot! Magba-Bandalismo, Makukulong ng 15 Taon sa Panukalang Batas!

Nitong mga nakaraang buwan ay naging usapin sa social media at pati sa mainstream news ang ginawang pambababoy ng Panday Sining sa isang underpass sa Maynila. Ang Panday Sining ay ang art wing ng leftist group na Anakbayan.

Ang ginawa ng militanteng grupo ay ikinainis ni Manila Mayor Franciso “Isko Moreno” Domagoso. Magugunita na nagbanta pa ang alkalde naipadidila sa mga nagbandalismo ang mga dinumihang pader.

Sa pahayag ng Panday Sining, nanindigan sila ang grupo na ang ginawa daw nila ay sining o art. Hindi rin sila nagpatinag sa banta ni Mayor Isko at nagsagawa muli ng bandalismo sa bakod ng isang paaralan sa Maynila.

Kamakailan lang ay may nahuling 4 na miyembro ng Panday Sining habang nagsasagawa ng bandalismo sa isang poste ng LRT. Ang mga salarin ay inaresto at ikinulong ng mga tauhan ng Manila Police District. Kalaunan ay dineklara nang persona non-grata ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang Panday Sining sa syudad.

Ngayon ay isinusulong na sa kongreso ang panukala na patawan ng 15 taon na pagkakakulong ang sinumang magbabandalismo at maninira ng mga gamit ng gobyerno.

“These road signs and warning devices have been installed precisely as a safeguard to motorists and pedestrians for purposes of avoiding loss of lives through accidents,” sabi ni House Deputy Speaker Raneo Abu .

Sa House Bill 2090, hindi lang 15 taong pagkakakulong ang pwedeng harapin ng mga salarin. Maari din daw patawan ng multang aabot ng P300,000 ang sinumang mahuhuling nagbabandalismo at naninira ng mga kagamitan ng pamahalaan.

Nakasaad din sa paukala ang pagbibigay ng insentibo sa sinumang magtuturo at magsusumbong sa mga magkakasala.

“Through the guidance and help of former Agham party-list congressman Angelo Palmones, who first filed this bill in the previous Congress, I earnestly request that this bill be enacted into law at the soonest time possible,” dagdag pa ni Abu .

Source: Philstar

Leave a Reply

Theme by Anders Norén