Local News

Maghanap ng Lider Tulad ni Marcos, Payo ni DU30 sa mga Pilipino!

Sa kanyang talumpati kahapon sa 121st anniversary ng Philippine Navy, binulalas ni Presidente Rodrigo Duterte ang kanyang “frustration” sa paglaban sa korapsyon sa ating bansa. Ayon sa Pangulo, mahihirapan daw talaga siya labanan ang koprapsyon sa kasalukuyang sistema ng gobyerno (1987 constitution).

“Kaya sabi ko nawalaan na ako ng gana. At totoo sabihin ko nagsisi ako kasi akala ko within the constitutional powers na ibinigay sa akin, kaya ko,” sabi ng Pangulo.

Kasabay nito ay sinabihan niya ang mga Pilipino na humanap ng lider na tulad ni dating presidente Ferdinand Marcos.

“Sa batas na ito, constitution, even if you give me 20 years I cannot do it. Maghanap uli kayo ng Marcos. Or someday, somehow, somewhere that fellow will be elected in the generations to come,” dagdag pa ng Pangulong Duterte.

Si Pangulong DUterte ay ka-alyado ng pamilya Marcos. Magugunita na sinuportahan ni Presidente Duterte ay paghihimlay kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Source: GMA News | GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén