Local News

Magnobyo, Naglalampungan habang Nagda-Drive, Papaimbistigahan ng DOTr sa LTO!

Kamakailan lang ay nag-viral ang isang video kung saan makikita ang mag nobyo na nalalampungan at naghaharutan habang nasa loob ng umaandar na sasakyan. Mapapansin sa video na ilang beses din binitawan ng lalaki ang manibela ng sasakyan para romansahin ang babae. Sapul din sa video na hindi gumagamit ng seat belt ang dalawa.

Ang naturang video ay umani ng libo-libong reaksyon mula sa mga kababayan natin at naibahagi na rin ito sa Facebook lagpas 11,000.

Dahil dito nakarating na sa Department of Transportation (DOTr) ang paglabag ng mag nobyo sa patakaran sa pagmamaneho.

Ayon sa DOTr, ipinasa na raw nila sa Land Transportation Office (LTO) ang video para mapa-imbestigahan.

“Ipinasa na rin po namin sa LTO ang video na ito para po maimbestigahan at magawan ng nararapat na aksyon. Salamat,” sabi sa social media page ng DOTr.

Pinaalalahan din ng DOTr ang mga motorista na maging maingat at gawing tama ang pagmamaneho.

“Dahil diyan, nais po namin kayong paalalahanan na…. Okay lang maglambingan, basta nasa ligtas na lugar, pagkakataon at pamamaraan.

TANDAAN: Kapag nagmamaneho, ang focus dapat ng driver ay sa kalsada, hindi sa katabi niya,” pahayag ng DOTr.

(Sa pinakahuling update mula sa DOTr, napag-alaman na mga banyaga ang magnobyo),”

Source: Department of Transportation | Carbreezy | DOTr

Leave a Reply

Theme by Anders Norén