Local News

‘Magpadami tayo!’ Jim Paredes, may Mahiwagang Mensahe sa Oposisyon!

Nagpakita ng kahandaan ang mang-aawit na si Jim Paredes na suportahan ang pambato ng oposisyon para sa darating na eleksyon sa susunod na taon.

Isa si Paredes sa mga personalidad na natuwa nang maalis si US President Donald Trump sa pwesto nito. Sa kniyang social media account ay kaniyng ipinakita ang kaniyang pagkagalak sa nangyari.

“Sa wakas, patapos na ang ikot ng Trumpo
#ByeTrump #LightsOutTrump,” boladas ni Paredes.

May isa naman tagasubaybay si Paredes na nagtanong kung bakit hindi pa kumikilo ang mga tao sa ating bansa para mapalitan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

“Sir Jim wala na ba tlaga kikilos?
Nasasalaula na ang Bansa..
Sad to say
Puro comment at post lang?
Wala bang gagalaw?#OUSTDUTERTENOW,” sabi ng follower ni Paredes.

Dito na sinabi ni Paredes na kalangang magpakarami ng mga tagasuporta ng oposisyon at kailangan din daw nilang pagalawin ang langit at impiyerno para maikampaniya ng lubos ang oposisyon.

“Right now lets move heaven and hell to campaogn for the opposition. Talo tayo sa media exposure. Lets convert ppl sa cause . Magparami tayo,” sabi ni Paredes.

Magugunita na nangamote ang political carer ng mga pambato ng oposisyon sa termino ni Pangulong Duterte. Noong 2019 ay wala man lang sa isa sa mga pambato ng oposisyon ang naihalal sa senado.

Ngayong 2021 naman ay kulelat na marka ang nakuha ng inaasahang pambato ng oposisyon sa 2022 na si Bise Presidente Leni Robredo.

Source: Twitter | Jim Paredes’ Twitter

Leave a Reply

Theme by Anders Norén