Local News

“Magpaka-lalaki ka!” Jay Sonza, Hinamon si Arnold Clavio Matapos ang Pagbubunyag ni Sarah Balabagan!

Hindi pinalampas ng retiradong mamamahayag na si Jay Sonza ang ginagawang pananahimik ni GMA7 host Arnold Clavio patungkol sa pagbubunyag ni former Overseas Filipino Worker (OFW) Sarah Balabagan.

“My friend (igan) your silence is not helping you any. MAN UP. SPEAK UP OR SIMPLY VANISH,” banat ni Sonza.

Naging laman ng social media si Balabagan matapos nitong ibunyag na si Clavio ang ama ng kanyang panganay na anak. Idinetalye din ni Balabagan kung paano daw siya sinabihan ni Clavio na manahimik patungkol sa kanilang relasyon noon.

Si Clavio ang reporter na tumutok kay Balabagan noong bumalik na ito mula sa bansang United Arab Emirates (UAE). Magugunita na nakulong si Balabagan sa UAE matapos niyang mapatay ang kanyang amo na nagtangka na gumahasa sa kanya.

Tikom naman ang bibig ni Clavio sa isyu at sa halip na sagutin ang mga pahayag ni Balabagan ay nagpo-post ito sa social media ng kanyang bagong hairdo.

Ayon kay Sonza, kung hindi kayang umamin ni Clavio sa pagkakamali ay mabuti na lang na huwag na muna itong magpakita sa publiko upang hindi madamay sa kahihiyan ang mga katrabaho nito.

“Hindi kabawasan ng pagkalalaki o pagkatao ang pag-amin ng kasalanan, pagkakamali at pagkukulang. If you can’t do this, spare your colleague at GMA from further humiliation and disrespect. Do the most honorable thing, vanish from public eye,” ani Sonza.

Hindi binangit ni Balabagan kung ano edad siya noong diumano’y nabuntis ni Clavio pero ang ipinagpalagay ng ilang kababayan na 17-anyos ito noong may nangyari sa kanila ni Clavio.

“FYI. Violation of RA 7610 o Child Abuse Law kapag gumawa ka ng kalapastanganan laban sa isang below 18 years old,” patutsada ni Sonza.

Source: Philstar

Leave a Reply

Theme by Anders Norén