Local News

‘Magsosori kang hayop ka! Akala mo maloloko mo kami!’ ABS-CBN CEO, Binanatan ng Dating Kapamilya

Kahapon sa senate hearing ay humingi na ng paumanhin si ABS-CBN Corporation President and Chief Executive Officer Carlo Katigbak kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte patungkol sa isyu ng hindi pag-e-ere ng campaign ads ng dating alkalde ng Davao. Naungkat din sa pagdinig ang anti-Duterte na ads na pinalabas ng ABS-CBN.

“We were sorry if we offended the President. That was not the intention of the network. We felt that we were just abiding by the laws and regulation that surround the airing of political ads. Today, we want to make a categorical statement together with our chairman Mark Lopez that ABS-CBN does not and will not have its own political agenda,” sabi ni Katigbak.

Ang paghingi ng paumanhin ng ABS-CBN executive ay hindi kinagat ng dating Kapamilya journalist. Sa pamamagitan ng kanyang social media account, binanatan ni Jay Sonza si Katigbak.

“pogi, bata, carlo, lahat ng network tinanggihan iyong nega-child anti Du30 campaign ads placed by trillanes. bukod tanging abs-cbn lang ang umere ng material. sinungaling ka hindot ka. sinadya ninyo iyon. tapos kunwari magsosori kang hayop ka. akala mo maloloko mo kami.
lahat ng placement noon ay payment before broadcast in cold cash. walang tseke-tseke.,”
sabi ni Sonza.

Kinuwestiyon din ni Sonza sinseridad ng ABS-CBN executive.

“kung totoong responsible kayo sa abs-cbn. isang tingin pa lang hindi papasa iyong material for airing. the minors and their faces were not solarized which is required by KBP standards authority, MTRCB and other circulars, including your very own abs-cbn ethical standards,” dagdag pa ni Sonza.

Si Sonza ay dating news director, presenter at producer sa Kapamilya network.

Source: Jay Sonza | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén