Local News

“Magtago na Kayong Lahat ‘Pag Nag-Martial Law!” PDU30, Nagbanta na!

Dahil sa mga impormasyon na ninanakaw ng mga New People’s Army (NPA) ang relief effort ng gobyerno sa mga kababayan natin apektado ng covid-19 crisis, nagbanta si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga rebeldeng komunista pati na rin sa mga diumano’y legal fronts nito.

“Pag martial law, lahat kayong mga legal fronts, magtago na kayo. ‘Wag ninyo akong bolahin. Galing ako diyan,… Kaya ngayon, ‘pag nagpatuloy kayo ng lawlessness ninyo, patay dito, patay doon, and it’s happening all over the Philippines, maybe I will declare martial law because kayong mga NPA, kayo ang mga numero uno… Tapusin na natin ito sa panahon ko. I have two more years. I will try to finish all of you. Pati kayong mga legal, magtago na kayo… Wag ninyong sabihin na put*ngina, na wala kayong… You know, you are a bullsh*t. You are the legal fronts,” banta ni Pangulong Duterte.

Walang pinangalanan na organisasyon si Pangulong Duterte pero magugunita na noong inaresto si former Bayan Muna Rep. Satur Ocampo, sinabi ni Pangulong Duterte na legal front ng NPA ang Bayan Muna. Ang kasalukuyang representative ng Bayan Muna ay si Carlos Zarate.

“Satur Ocampo is fronting Bayan (Muna), Bayan is a front of the Communist Party of the Philippines bakit pa tayo magdrama… Alam natin na KMU (Kilusang Mayo Uno), ‘yan Gabriela they are all communists fronts or being used by the communists alam niyo lahat ‘yan,” ani Presidente Duterte noong Disyembre 2018.

Habang si Kabataan partylist Sara Elago ay itinuturing ni Major General Antonio Parlade, Jr. na kasama sa legal front ng mga NPA.

“While Elago is not an NPA member in the strictest sense of the term, Parlade said she is still playing a role to support the communist rebels as she opted to be part of the group’s so-called “legal front” which is tasked to support the illegal activities of the underground movement and its armed component,” sabi sa ulat ng Philippine News Agency.

Source: Philstar | Inquirer | Philippine News Agency

Leave a Reply

Theme by Anders Norén