Local News

“Mahilig magparining! Sino walang modo?” Isko, Sinupalpal ni Ex-Universidad de Manila President

Sa kaniyang social media post, binanatan ni former Universidad de Manila President Malou Tiquia si Manila Mayor Isko Moreno dahil sa mga boladas nito laban sa Duterte Administration.

Magugunita na kanina ay kumuda si Isko kontra sa national government matapos siyang akusahan na namumulitika patungkol sa isyu ng pagbili ng face shields.

“Ang hirap kausap ng bingi. Ang hirap kausap ng bungol. Wala silang idea kasi namumuhay sila sa Disneyland, hindi na sa reality. Namamatay na ang mga tao… Nananawagan ako, Mr. President, tanggalin ‘nyo ‘yung mga taong walang malasakit sa kapwa niya. Ako talaga – magkuwentas klaras tayo. Anyway, kakaharapin ko naman kayo sa Oktubre eh… Pag kayo’y binibigyan ng suggestion, iniisip ‘nyo, pulitika. ‘Di po ito pulitika. Bingi lang ho kayo… Magkikita tayo sa finals. Kung gusto ‘nyo ng pulitika, may panahon kami para sa inyo,” boladas ni Isko.

Para kay Tiquia, ang mga binitawang salita ni Isko ay isang propaganda para sa pamumulitika.

“Nanawagan? Lumuhod? Walang malasakit sa kapwa nya? Walang modo at kung sumagot pabalang? Buhay walang kwenta? Itong mayor na ito, matindi sa propaganda! Gagawa ng spin, sabay landing politika.
Linahat nya. Sabay kabig, “total naman magkikita tayo sa Oktubre.” Hindi yan sinama sa meme na ito. So, ano sinasabi? Di ba politika? Mahilig magparining. Kyawkyaw ng kyawkaw. Sino ba walang modo?” resbak ni Tiquia.

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: