Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Mahina ang Utak ni DU30, sabi ni FB Fact-Checker Ellen Tordesillas!

Hindi na nakapagtataka kung bakit “bias” ang tingin ng mga taga-suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Vera Files President at Facebook Fact-Checker Ellen Tordesillas. May mga pagkakataon kasi na matindi ang mga boladas ng mamamahayag na ito sa Pangulo. Magugunitang sinabi noon ni Tordesillas na ang Presidente mismo ang numero unong source ng pekeng balita.

Ngayon naman ay tinatawaran ni Tordesillas ang kapasidad ng pag-iisip ng Presidente. Sa isang pahayag, sinabi ni Tordesillas na mahina daw ang utak ng Pangulo.

“Hindi ko alam kung alin ba ang mas delikado, yung matalinong tyrant (Marcos) o yung medyo mahina yung utak na tyrant (Duterte)?” sabi ni Tordesillas.

Kamakailan lang ay pinangalanan si Tordesillas sa isyu ng pagpapabagsak sa Duterte administration, nang isiwalat ng Palasyo ang Ouster-plot Matrix kung saan nau-ugnay ang ilang mamamahayag sa pagpapakalat ng malisyosong video series na may pamagat na “Ang Totoo Narco List” .

Sa naturang video series, ipinakilala ang dating umanong drug syndicate member na si alyas “Bikoy”. Inakusahan ni Bikoy ang ilang kaanak at malalapit na kaibigan ni Pangulong Duterte na sangkot umano sa kalakaran ng droga. Ang mga pagbibintang ni Bikoy ay natuklasang peke nang magsalita ang isang rural bank laban sa dokumentong ipinakita ni Bikoy. Isa ring alkalde mula Maguindanao ang umalma nang isinama daw ng walang permiso ang kanyang pirma sa video ni Bikoy.

Nasa kamay na ng otoridad si Rodel Jayme, ang itinuturong web master ng metrobalita website kung saan unang in-upload daw ang Bikoy videos. Ayon kay Jayme, makikipagtulungan siya para maituro ang mga tao sa likod ng pamanirang video laban sa Pamilya Duterte.

Source: CNN Reporter Rex Remitio

Leave a Reply

Theme by Anders Norén