Local News

“Mahiya ka sa Sarili mo!” Governor Remulla, Umanggal kay Lt. Gen. Parlade!

Nakisawsaw na rin si Cavite Governor Jonvic Remulla sa kasikatan ngayon ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Southern Luzon Command chief Lt. Gen. Antonio Parlade Jr.

Magugunita na talagang naging usapan sa social media ang heneral dahil sa payo nito sa ilang sikat na celebrities na lumayo sa mga leftist organizations tulad ng Gabiela upang hindi matulad sa sinapit ni Jo Lapira, miyembro ng Gabriela na nasawi dahil sa pakikipagbakbakan sa militar.

Umaangal ang gobernador kay parlade dahil sa mga naging pahayag nito sa mga kilalang personalidad at kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.

“Threatening progressive and outspoken WOMEN who want to encourage a stronger feminist culture? That does NOT make them co-conspirators nor allies of the left wing… Kahit si Yorme (Moreno) na nagtanggal lamang ng mga posters ay tinagurian agad na sympathizer…Ok ka lang, Parlade? Your train of thought and reasoning are preposterous and shifty… [Tinaguriang “Communist Supporters” o sympathizers ang mga prominenteng personalidad tulad nina Angel Locsin, Liza Soberano at Catriona Gray,… Kahit si Isko Moreno Domagoso ay dinamay na rin… Let me assure you that if you or any of your men put up any posters in the Province of Cavite, they will NOT last a day,” boladas ni Remulla.

Magugunita na nasangkot sa isyu si Remulla kamakailan lang matapos lumabas sa kanyang Facebook live video ang anti-Duterte Vlogger na si Macoy Dubs.

Source: Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén