Local News

‘Maigi pang Ma-Impeach iyang si DU30’ – Asawa ni Junel Insigne!

Hindi nagustuhan ni Lanie Insigne, asawa ni GEM-VER captain Junel, ang nanging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag harangin ang mga Intsik sa exclusive economic zone ng Pilipinas.

Ayon kay Lanie, mas mabuti pa raw na mtanggal na sa puwesto ang Pangulo.

“Parang wala nang karapatan ang Pilipinas doon. Parang Chinese na lang ang sinusundan n’ya. Naiinis ako kanina, nanonood ako ng TV. Sabi ko, maigi pa ngang ma-impeach yan,” boladas ni Lanie.

Naging laman ng balita si Lanie nitong mga nagdaang araw matapos niyang utusan ang asawa na si Junel na umurong sa pakikipa-pulong kay Pangulong Duterte sa Maynila. Kalaunan ay napag-alaman na si Department of Agriculture Secretary Manny PiƱol pala ang may nais kumausap sa mga mangingisdang nabangga ng mga Tsino sa West Philippines Sea.

Bilang tulong, bingiyan ng Duterte Administration ang mga mangingisda ng mga fiber glass na fishing boats, diesel engines at ilang kagamitan sa pangingisda.

Kamakailan lang ay binisita ni Vice President Leni Robredo ang mga Insigne at masayang nakipag-usap sa mga ito. Binigyan din ni Robredo ng P50,000 ang mga mangingisda.

Source: ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén