Local News

“Mainit ang P10 Billion Water Issue. Bakit Walang Hearing si Grace Poe?” – Radio Host

Sa pag-uumpisa ng buwan ng Disyembre, ibiulgar ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang “dehadong” kontrata ng gobyerno sa mga water concessionaires na Maynilad at Manila Waters.

Dahil sa nasabing kontrata, naglabas ng hatol ang Singapore Court of Arbitration at pinagbabayad ang Pamahalaan ng Pilipinas sa mga water concessionaires ng humigit-kumulang PP10 billion.

“We will expose them. And I will insist that they be tried for economic sabotage… I will file this, economic sabotage, and I will arrest them all. I will let them taste of a prisoner’s life… They do not pay corporate income tax. And the corporate income tax they pass on to people as part of what you pay for the water…They are the ones distributing water to consumers. Sometimes they stop the supply,” banat ni Pangulong Duterte sa mga water companies.

Sa isang social media post, napuna ng radio host at pro-government blogger na si Mark Lopez ang hindi pagpapatawag ni Senadora Grace Poe ng pagdinig tungkol sa isyu.

“3 DAYS AGO PA MAINIT ANG ISYU NG KRIMINAL NA WATER CONCESSION, pero BAKIT WALA PANG PINAPATAWAG NA HEARING SI GRACE POE? Hindi ba pasok sa banga ang agenda?” banat ni Lopez.

Isa sa committee chairmanship ni Senadora Poe ay ang public services.

Ilan din sa mga pro-government personalities ay nagsalita na rin tungkol sa P10 billion water concessionaires issue. Binanatan naman nila ang mga nag-ingay sa diumano’y isyu sa Southeast Asian (SEA) Games.

Ayon sa Manila Bulletin lifestyle writer na si Krizette Laureta Chu, hindi umaalma ang mga kritiko ng P50 million cauldron na ginamit sa SEA Games.

“Mas importante pa pala sa inyo ang P50 million cauldron kesa sa P10 billion water fine. P10 billion for WATER. That they didn’t create. Where’s your outrage?” resbak ni Chu.

Binanatan naman ng int’l trader na si MJ Quiambao Reyes ang katahimikan ng mga kababayan natin pumatol sa pekeng balita na diumanp’y pinakain ng kikiam ang mga atletang alahok sa SEA Games..

“Sa isyu ng kikiam, ang iingay ng mga hinayupak! Sa isyu ng tubig at bilyones na charges, ang quiet!” banat ni Reyes.

Source: Mark Lopez

Leave a Reply

Theme by Anders Norén