Local News

Malacañang, Binoljak ang Banat ni Lacson kay DU30!

Hindi nagustuhan ng tagapagsalita ng Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pinagsasabi ni Senador Ping Lacson ukol sa maingat ma pahayag ng Presidente sa isyu ng banggaan sa West Philippine Sea.

“Duterte left us heartbroken…He forgot to explore all resources available before exercising his last option of surrender,” ayon kay Lacson.

Nilutang din ni Lacson ang ukol ang Mutual Defense Treaty Pilipinas sa United States.

“I am not suggesting WW3 (World War 3) but at least it can make China feel the balance of power in the WPS (West Philippine Sea),” ani Lacson.

Sa naturang kasunduan ay Estados Unidos ay tutulong sa Pilipinas kung sakaling atakehin ito ng ibang bansa.

Buwelta ni Panelo kay Ping, dapat ay alamin muna ang katotohanan bago gumawa ng aksyon.

“Titignan mo muna lahat ng facts bago ka gumawa ng hakbang. Kasi hindi naman pwedeng reckless, like for instance, may isang suggestion ang senador na gamitin ang mutual defense pact. Mawalang galang na sa kaibigan kong si Ping, pero I think ‘yun ang tinatawag na reckless and premature. Bakit kanyo? E wala pa naman act of aggression at di pa nga natin alam kung ano ba ang nangyari doon. Is it intentional or accident? Assuming na intentional, ang susunod na tanong doon, ‘yan ba ay sanctioned by the Chinese government. Hindi ka basta babanat,” sabi ni Panelo.

Source: DZRH | ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén