Local News

Panoorin: Malacañang, Nagsalita na sa Nangyaring Hazing sa PMA!

“Siyempre galit siya sa nangyari,”

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, nagalit si Pangulong Rodrigo Roa Duterte nang makarating dito ang balita tungkol sa pagkasawi ni Philippine Military Academy (PMA) cadet Darwin Dormitorio nitong September 18.

Nangako ang Malacañang sa mga kaanak ni Dormitorio na pananagutin ang mga salarin sa pagkamatay ng kadete. Nagbigay na ang Department of Justice (DOJ) sa National Bureau of Investigation ng direktiba para magsagawa na ng imbestigasyon sa nangyari sa kadete ng PMA.

Panukala naman ng tagapasalita ng Presidente na gawin nang henous crime ang hazing.

“Alam mo si Presidente, he is one man who is always outrages by any kind of oppression and hazing is an oppressive act. Kasi sinasaktan mo intentionally. Murd*r nga ang dating pagnamatay,” sabi ni Panelo.

Gusto rin ni Panelo na bumaba na sa puwesto ang namumuno sa PMA.

“If I were the boss, how can I be staying a minute longer in my office if I don’t what’s happening in my office. You are the superintendent of the PMA tapos may hazing pa diyan? Bakit hindi mo alam iyan? Bakit hindi mo ma-stop?” saad pa ni Panelo.

Ngayon araw lamang ay bumaba na sa puwesto si PMA Superintendent Lt. Gen. Ronnie Evangelista. Ganito na rin ang ginawa ni Cadet Commandant Brig. Gen Bartolome Bacarro.

“In the military tradition of command responsibility, it is now the proper time for me as the head of institution together with the commander of cadets to relinquish our respective positions… I will do all that is left to be done while I wait for the official orders,” sabi ni Evangelista.

Si Freshman cadet Dormitorio ay pumanaw noong Miyerkules matapos ireklamo ang pananakit ng tiyan. Na-ospital na rin ito ng dalawang beses noong Agosto. Nakitaan din ito ng mga galos sa tiyan na pinaniniwalaang nagmula sa hazing.

Source: PTV | ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén