Local News

‘Malaking Human Rights Violation!’ Angel Locsin, Bumuwelta kay PDU30!

Naglabas ng kaiyang saloobin laban kay Pangulong Rodrigo Duterte ang aktres na si Angel Locsin matapos sabihin ng presidente na maliit na bagay lamang ang kumakalat na sakit ngayon sa bansa.

Sa kanyang Instagram story, binatikos ni Locsin ang binitawang salita ng Pangulo sa kanyang public address na kailangang hindi sila matakot dahil maliit na bagay lamang ang kinakaharap na pandemiya ng bansa.

“Do not despair. Kaya natin ito C0VID na ito. Maliit na bagay ito sa buhay natin. Marami tayong dinaanan mas ano, mas grabe, mas mahirap, mas magluluha kayo… Lahat kayo ‘wag kayong matakot,” ani Pangulong Duterte.

Hindi pabor si Locsin at kinontra ang mga sinabi ng presidente. Para kay Locsin, malaki ang problema ngayon ng Pilipinas. DInamay na rin ng aktres ang isyu tungkol sa utang ng gobyerno at pati narin ang mga human rights cases.

“Maliit na bagay? Baka po sa inyo, Sir. Para sa amin po kasi malaki. Malaking utang. Malaking taas ng cases. Malaking human rights violations,” ani Angel.

Isa si Locsin sa mga kilalang kritiko ng administrasyon. Naging usap-usapan noong nakaraang taon si Locsin matapos nitong magpahayag ng matinding suporta sa ABS-CBN na ipinatanggal sa ere noong 2020 dahil sa mga nakitang mga paglabag.

Naging laman din siya ng mga balita nang madawit ang pangalan ng kanyang kapatid bilang isa diumano sa mga miyembro ng rebeldeng komunista.

Source: Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén