Local News

Malalaking Pangalan sa Media, kasama sa Drug “HIGH VALUE TARGET” ayon sa PDEA!

Pasok sa high value target ng anti-drug campaign ng gobyerno ang ilang nagtatrabaho sa media. Ito ay isiniwalat mismo ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Chief Director General Aaron Aquino.

Ibinunyag pa ni PDEA Chief Aquino na hindi lang basta putso-putsong media personality daw ang mga nasasangkot na taga-media, kundi mga malalaking pangalan daw ang mga ito.

Kasama din daw sa high value target ay ilang artista at mga mambabatas o politiko.

Isiniwalat din ni PDEA Chief Aquino na may ilan sa hanay ng law enforcement (PDEA, PNP at militar) ang may kinalaman sa operasyon ng ilegal na droga.

Mayroon din daw kasama na mga local chief executives sa kanilang listahan.

Umabot daw sa lagpas 12,000 katao ang kabilang sa listahan ng kanilang high value target.

Source: DWIZ | RTVM

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: