Local News

Malamya ang Aksyon ni DU30 sa isyu sa Mangingisda, ayon kay Lacson!

Hindi masaya si Senator Panfilo “Ping” Lacson sa naging tugon ng Duterte Administration sa insidente ng pagkakabangga ng Chinese vessel sa bangka ng mga Pilipinong mangingisda. Tinawag ng senador na kulang at malamya ang naging aksyon ng Duterte Government sa isyu.

“Kulang at malamya. Alam naman natin ang attitude ng Pangulo ‘di ba na matigas? Maski nga pari, mga European countries, Canada, sa mga ibang issue. Kung kukumpara natin ‘yun, ‘yun nga, relatively speaking, malamya at kulang na kulang ang tugon ng ating Pangulo mismo rito,” sabi ni Lacson.

Ayon pa kay Lacson, isa sa mga maaaring dahilan kung bakit tila malamya ang aksyon ng gobyerno sa naturang isyu ay dahil sa ekonomiya.

“Ang ma-speculate lang natin siyempre inaalala rin ng Pangulo ‘yung… may economic reason dito eh. Kasi pinipilit niyang i-preserve ‘yung bilateral relations natin sa China. Ayaw niyang mabawasan ‘yung magandang goodwill dahil nasimulan na niya ito… Pero at what cost? Ang tanong natin: Ano ba mas matimbang? ‘Yung ating sovereign rights na tinatawag o economic upliftment ng ating mga kababayan?” boladas ni Lacson.

Nag-aalala din si Lacson sa pagpayag ng Pilipinas sa mungkahi ng China na magkaroon ng joint investigation ukol sa nangyaring bangaan sa dagat.

“Nag-e-express lang tayo ng apprehension kasi nga merong umiiral na, ‘yung sa UNCLOS, ‘di ba? Sovereign rights tayo doon sa Recto Bank. At kung papayagan natin ‘yung joint investigation, parang effectively nagshe-share tayo ng jurisdiction. Baka naman maapektuhan ‘yung ruling noong 2016,” ani Lacson.

Source: GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén